Posts tagged: tado

Trip to Jerusalem

“Open your door
Dance on the floor
Hey what’s your name?
Let’s play a game
Let it begin
Your head will spin
I am the champ
Come see me stomp”

Halika at pumasok sa mundo kung saan ang lahat ay komplikado.
Lahat ng bagay ay limitado, laging may kokontra, laging may mga
sagabal, laging may problema, kung saan ag lahat ay paulit-ulit
lang, paikot-ikot, minsan nasa taas minsan nasa baba. Ito ang
realidad, ito ang buhay, ito ang realidad ng buhay. Kung ang buhay
ay isang laro upang subukan ang tatag mo at kaya mo, pwes wag
mong hayaan na mapaglaruan ka nito. Ipakita mo sa kanila na di
ka basta papatalo, paikut-ikutin kaman ng mga taong nakapaligid
sayo, asahan mo may kasama ka, tingnan mo ako, nandito lang
ako para tumulong sayo.

“It never ends…
It never ends…
It never ends… “

Dahil ang buhay ay hindi natatapos oras na sumuko ka sa laban.
Magpapatuloy-tuloy lang ito sa pag-ikot para subukan ka, kaya
walang silbi ang pagsuko, lumaban ka, ipakita mong matapang ka!
dahil kung mahina ang loob mo at hindi mo haharapin ang buhay,
lalo ka lang dudurugin nito.

“Sometimes you win
Sometimes you fail”

Sa buhay talaga minsan panalo, minsan talo. Normal lang naman
yun. Pero wag mong hahayaan lagi ka na lang talo, dapat mas lagi
lamang ang panalo, gamitin mo ang iyong pagkakadapa noon sa
muli mong pagbangon ngayon upang harapin ang bukas. Alam natin
lahat na hindi naman talaga dumadating ang bukas, dahil palaging
may bukas pero para sa akin hindi mo talaga makikita ang bukas
kung patuloy kang papalamon sa nakaraan at hindi mo kayang
harapin ang ngayon.

“Just when you think you’ve gone so far
You’ll find yourself, back to the start… “

Minsan sa buhay akala natin, nakamit na natin lahat, naabot na
natin ang rurok nito, pero sa bandang huli maiisip natin sa ating
mga sarili na hindi pa pala, marami pa tayong dapat gawin para
mapaganda ang buhay natin. Hindi naman kasi natatapos ang buhay
eh.

“The music plays like a heavenly choir
Lovely chairs are there if you get tired”

Lahat ng kanya kanya nating buhay ay may taglay na sariling musika
na dapat nating sayawan ang bawat paghimig nito, upang makasabay
sa pag-indak at sa pag-awit ng buhay. Tao lang tayo, may hangganan
din, marunong mapagod, marunong masakatan, maari ka namang
umupo at magpahinga muna eh, pero sinasabi ko sayo na pag kaya mo
na uli, tumayo ka na at muling magsayaw, upang hindi ka maiwan ng
agos ng buhay. Ako naman, ako ang magsisilbing sandigan mo sa mga
oras na gusto mo munang magpahinga o sumuko. Ako angmagsisilbing
pagkukuhanan mo ng lakas ng loob para makabangon uli, dahil para
sayo tinitibayan ko ang aking sarili.

“Don’t listen to a word he says
He’s just trying to distract you
Do your own thing
Stick with what you are…”

Sa buhay anjan talaga ang mga tao na manggugulo sayo, lahat sila
susubukan kang pabagsakin, lahat sila gusto kang sirain, lahat sila
hahadlang upang makamit mo ang kaligayahan at kalayaan na kay
tagal mo ng hinahanap at inaantay. Magagawa lamang nila yun kung
paaapekto ka sa kanila, kung hahayaan mo silang wasakin ka, kung
hindi mo matututunang lumaban at hahayaan mo na lang apihin ka
nila. HUWAG KANG MAKIKINIG SA KUNG ANO MAN ANG SINASABI NILA,
NAIS LAMANG NILA AY GULUHIN KA, SUNDIN MO ANG PUSO MO, SUNDIN
MO ANG NARARAMDAMAN MO, ALAM MO KUNG SINO KA, GAWIN MO
ANG NARARAPAT, GAWIN MO ANG TAMA, GAWIN MO ANG DAPAT HINDI
KA NILA KAYA! kasi ikaw yan! ika ang may hawak ng buhay mo hindi
sila, hindi sila ang magdidikta kung anong dapat mong gawin.

“Oh tell me do you wanna fly?
Fly high way up in the sky
Or maybe you don’t even have to try
All you have to do is follow that star”

Siguro ngayon unti unti na akong pumapasok sa isipan mo, unti unti
ng pumapasok ang mga sinasabi ko sa isipan mo. Ngayon mapagiisip
ka sa mga pinaliwanag ko. Hindi ko naman sinasabi na sundin mo
ako o tama ako, sarili ko lamang itong opinyon, base sa aking mga
naging karanasan. Nais ko lamang ibahagi sayo ang pananaw ko.
Gusto mong maging malaya? Sige lumipad ka, bukasa mo ang iyong
puso at isipan. Gusto mong maging maligaya? Sige lang gawin mo
lahat ng bagay na nagpapasaya sayo dahil habang nabubuhay ka,
hindi mahalaga kung gaano ka katagal nabuhay, kundi kung paano
mo hinarap ang buhay sa tagal ng panahon mong inilagi dito sa
mundo. Minsan lahat naman tayo aminin man o hindi ay naliligaw
tayo ng landas, pero tingin ka lang sa taas, makikita mo ang liwanag
ng pag-asa, wag kang mag bulag-bulagan, maniwala ka lang sa kanya
dahilanjan lagi ang Panginoon, aagapay sa bawat pagsubok na iyong
haharapin.

“But when the star doesn’t shine
You won’t be able to find your way
The only thing that we can do is pray
On a trip to jerusalem…”

May mga pagkakataon na nawawalan tayo lahat ng pag-asa, dahil
akala natin wala na talaga, na iniwan nya na tayong mag-isa na.
Halimabawa na ang kwento na kasama mo ang Panginoon habang
naglalakad sa dalampasigan, may mga foot prints na bumabakat
sa buhangin habang kayo ay naglalakad, hanggang dumating ang mga
oras na dumating sa buhay mo lahat ng problema, hirap na hirap ka
at napansin mong isang bakas na lang ng pares na paa ang iyong
nakikita. Sinabi mo sa kanya “Panginoon, bakit ninyo ako iniwan, kung
kailan ko kayo kailangan at madami akong problema, bakit?”  sumagot
ang Panginoon “Hindi kita iniwan anak, ang mga pares ng bakas ng paa
na iyog nakikita ay akin, at ikaw ay aking pinapasan sa aking likuran,
dahil alam kong hirap ka na. Mahal kita anak, hindi kita pababayaan.”
Kaya manatili lang tayong malakas ang pananampalatay at painiwala
sa kanya, dahil ituturo niya at gagabayan tayo sa tamang daan.

“Open your door
Dance on the floor
And now at last, just two of us
Only one chair, who will sit there?
Is it the king? or is it the heir?”

Salamat at may oras ka para basahin ang mga sinasabi ko, at mas
maraming salamat sayo kung naunawaan at naintindihan mo ako, at
sobrang pasasalamat ko sayo kung may magagawa itong sinabi ko
na mabuti para sayo, ngayonng patapos naang mga sinasabi ko gusto
kong tayo na lang talagang dalawa, bigyan mo muna ng laya ang iyong
kaisipan, tanggalin lahat ng dinaramdam sa kalooban. Nakikita mo ba
ang kaligayahang yun? Ayun oh! para sayo yun. Gusto mo yung makamit
diba? Hinihintay ka na nya, matagal na, kaya huwag mo ng hayaang
agawin pa yung kaligayahan na yun sayo ng iba. Abutin mo, lumaban ka.

“Ganito tayo, dahil hinayaan nating maging ganito tayo.” - TADO Jimenez

Vegetarian ang tawag sa di kumakain ng karne (Karnenarian pag all meat) Mayron din puro halaman lang - Planetarian, prutas ay Fruitarian, at bulaklak - Flowerian. Ang di kumakain ay Dukha ang tawag. Ang nakikikain ay Maralita, ang kumakain ng basta basta na hindi nya pag-aari o walang paalam - iskwater.
Tado
“NAG IISA LANG AKO” libro ni Tado Jimenez

“Kung moral values ang iyong hanap, fairytales ang basahin mo. Kung naghahanap ka ng aral, basahin mo textbooks, encyclopedia. Kung gusto mong may matutunan, dictionary na lang. Kung gusto mo heartbraking, kay joe d mango. At kung gusto mo ay basta masaya lang , wag ka na lang magbasa. Makipag-kwentuhan ka sa tao. Sa panghuli, kung gusto mo nag-aalab at sagad-sagarang na tipong matatalamsikan ka ng inspirasyon…aba, sinabi ko na di ba, WAG ITO!” -TADO

Sa WAKAS natapos ko na din basahin ang libro ng isa sa mga idolo ko hehe, Una nagulat ako kung anong naisipan nya para maglabas ng isang libro pero sa bandang huli anintindihan ko na rin kung bakit.

Mga REAKSYON ng mga nakakita ng librong ito:

1. Si TADO may Libro?
2. Anong Mapapala mo jan?
3. Puro katangahan lang mga nakalagay jan e
4. Bat ka bumili? Aksaya ka lang ng pera.
5. Sari sari ka anak
6. Sinubukan sigurong gayahin si Bob Ong
7. HIMALA!
8. 150? ang mahal naman
9. IDOL mo si TADO? Nasisiraan ka na ba?
10. Uy ASTIG!

Unang buklat pa lang sa libro napaisip na agad ako sa isang QUOTATION na galing sa kanya. “Mabuti pa ang unggoy hindi nya alam sya ay unggoy, Ang TAO kinalimutan ng magpaka TAO.”

Nagbigay ng PAUNANG SALITA ang isa rin sa mga Idol ko si Ramon “DRAGON” Bautista, syempre kwela to si Ramon pa! pero kahit ganun ang style nya, mapagiisip ka din sa mga sinasabi nya na HINDI KA LUGI SA PAGBILI NG LIBRO NI TADO bakit? isa ako sa mga mapalad na umisip na bumili ng isang libro “Dalawang bagay ang pinapatunayan niyan, Una, Matalino ka. Matalino ka kasi nagbabasa ka. Sa pagbabasa ng libro, pinapakita mo na hindi ka mangmang maski lahat ng pondo ng gobyerno ay napunta sa bulsa ni congressman, Pangalawa, bukas ang isip mo sa kaalaman at opinyon. Mahalagang bagay ito dahil kapag bukas ang isip mo, lalo kang nakakasagap ng kaalaman at nakakabuo ka ng pansarili mong pananaw sa mundo at ang epekto nito, lalo kang tumatalino.” “Sulit naman kung sulit. Hindi lang papel na pamunas ng puwet ang nabili mo kundi TALINO.” -Ramon Bautista

My pagkakaparehas din pala kami ni Tado “Anong gusto mo paglaki mo? Sa ganyan natin sinusukat ang mararating ng pinagtatanungan, walang batang Filipino na hindi sinagot yan. At nasagot Maliban..” sa aming DALAWA katulad nya di ko rin masagot to nung bata pa ako, Gulong gulo ako kung ano gusto ko maging paglaki at hanggang ngayon isang taon na lang at gagraduate na ko sa College eh di pa rin malinaw sa isip ko kung anong gusto ko. Siguro kasi MADAMI akong Gusto hindi lang isa, kasi pag tinanong ka ng ganan specific dapat sagot mo eh. Eh kung sagutin mo naman ng ka pilosopohan ang mga matatanda na nagtatanong sayo nyan nung bata ka pa eh sigurado papagalitan ka “Pag bata ka at pilosopo insulto yun sa mga matatanda. Pero pag tanda at pilosopo ka, may aral yun sa mga bata.” -Tado pero malinaw na sa akin ang gusto ni tado paglaki nya ang maging isang NINJA!

Sa librong ito kinwento nya ang buhay nya oh diba parang MMK lang? Ang mga pinagdaanan nya sa buhay sa pagiging isang artista nya, ang pagmamahal nya sa Sining, sa Publiko at sa ating Inang Bayan, Ang pagka HUMALING nya sa ROCK MUSIC! ang pagkakapasok nya sa MOWELFUND kasama ang mga IDOL ko ding sina RA RIVERA at JUN SABAYTON, ang paglalakad nya mula Marikina to Cubao dahil walang pamasahe, Ang pagtae sa CR at hindi iFlush ang pagtitinda nya ng Ice Candy para makapanuod sa BETA house, Ang mga aso nyang si Kulog at Kidlat na di kalaunan ay knyang Pinulutan, Ang pagiging Panginoong may Tubig nya sa Bagong Silang, Ang kanyang SUPLADO TIPS, ang pagbangon nila mula sa ONDOY, ang LimiTADO dressed to kill shop nya, Ang STRANGEBREW at BREWRATS, si BUGOY the VW Beetle, Front man ng bandang Live Tilapia, DJ sa radio, ang pagaaral sa PUP Sta.Mesa, pagiging isang DAKILA, ang pagiging consultant nya sa Special Projects to the office of Vice Mayor of Marikina, ASINTADO publisher, Mga Top 100 Lists lalo na yung 100 Must Do’s before I die ASIG nun! at hindi lang naman yan ang mga napulot ko sa librong ito syempre may mga ARAL din higit sa lahat ang ilan sa mga KATAGA nyang tatatak na sa isip ko habang buhay.

“Mabuti ng Magnakaw kesa Mamakla” dito sila nagkaaway ni VICE GANDA dati eh pero “Friends” na daw sila ngayon.

Ang pagsisimula ng mga kaguluhan nang dahil sa Ano at Bakit

Tambay1: ANONG tinitingin-tingin mo?
Tambay2: BAKIT palag ka?

Masarap maging tambay kung may layunin kang bunuin ang mga sandali. Kung gusto mong daigin ang bawat pagkakataon. Hindi carreer ang pagiging tambay. Pero madami sa atin ay kina-carreer ang maging tambay.” -Tado

“Tayo ay ganito dahil hinayaan natin maging ganito tayo.” -Tado, Isang kataga na nagpapalala sa atin na wag tayong magpabaya may pag-asa pa kumilos tayong lahat para sa ikauunlad ng bawat isa.

“kung sino pa ang walanghiya sya pa ang pinagpapala” -Tado, Tunay naman di ba? pangitang pangita naman eh.

Ilan lang yan sa mga mapupulot mong aral sa librong ito, kaya di talaga ako nagsisisi na binili at pinag aksayahan ko ng oras basahin ito dahil hindi ako LUGI!.

Yun nga lang andami pang TYPOGRAPHICAL ERROR! hihihi… brr..

Love your COUNTRY, Hate your LEADERS
LimiTADO Design Shirt (Dressed to Kill)
PINOY ang Bahay mo kung?

Ex. May mga naka Display na SPAM sa bahay nyo at binubuksan lang tuwing may bisita o may dalawang malalaking Kutsara’t , Tinidor na nakasabit sa hapag-kainan nyo hihi :)

BIGAY PA KAyO NG EXAMPLES DALI :)

Pag bata ka at pilosopo ka insulto yun sa mga matatanda. Pero pag Matanda at pilosopo ka may aral yun sa mga bata
Tado Jimenez
Di bale ng TAMAD, so what if LAZY?, hindi naman pagod. IM NOT HAGGARD
Tado Jimenez
Ang ICE PICK ay hindi talaga nakakapulot ng ice, Madalas siyang gamiting panaksak
Tado Jimenez
If you chase two chickens, both of them will escape. Kung hahabulin mo ay dalawang manok, tatlo na kayong tumatakbo.
Tado Jimenez
Paano mo ko NAHANAP?

Edi GinooGle Earth kita hihi :)

Ang CINEMA ay isang MALAYANG SINING, parang ICE CREAM, parang BUHAY, MARAMING KULAY
Rodolfo “Jun” Sabayton Jr.
Ako ay SALVAJE!

Dahil hindi aq natutulog pag tanghali at ng maaga! xD PASAWAY

Anong pinagkaiba ng NILAGANG BAKA sa BULALO?
by RakenRosz

Anong pinagkaiba ng NILAGANG BAKA sa BULALO?

by RakenRosz