Posts tagged: raimund marasigan
Rico, Anong ginawa mo nung umalis si Bamboo?
Gusto mo pa bang tumugtog?
Oo naman!
So anong problema mo?
Tunay nga na ang musika ng Eheads ay nasa kanila bilang isang grupo, hindi sa bawat indibidwal, wala kay Ely, Raimund, Markus, o Buddy. Kahit may sari-sarili na sila ngayong mga banda ay wala sa kanila ang nakaabot sa rurok ng tagumpay ng Eheads, dahil ang kanilang musikang taglay ay nagagawa lamang pag magkakasama sila.
“Kumalat noon ang balita, malalim raw ang alitan sa pagitan ng apat. Imposibleng pagsama-samahin muli sina Ely, Raimund, Marcus at Buddy bilang ERASERHEADS. Hindi na raw kaya pang buhayin ang pinagsamahan, pero sila na rin ang nagsabing…
HUWAG BASTA BASTA MANINIWALA SA MALING AKALA.”

Kaisaisang imahe na aking naisalba mula noong una kong nakita at napanood na buong tumugtog sa aharap ng aking mga mata, ang banda na nagmulat sa akin sa mundo ng kay gandang musika. (nasa friendster ko kasi yung mga pictures nito eh kaya ayun nawala na.)
Tatlong taon na pala ang lumipas hindi ko man lamang namamalayan, parang sariwa pa rin kasi ang mga pangyayari noong gabing iyon sa aking isipan.
Tanda ko pang iniyakan ko pa ang nanay ko sa harap ng mga pinsan at mga tiyo at tiya ko payagan lang nila akong makapanood ng pinakahuling concert ng eraserheads na muli ay magsasamasama sila para sa kanilang mga fans kagaya ko.
Eto ang ERASERHEADS THE FINAL SET CONCERT na ginanap sa MOA concert grounds. Highschool pa ako nito at ako ay graduating na kaya naman bago ko pa napilit ang mommy ko para payagan ako eh santong paspasan talaga. Kasama ko ang pinsan ko at mga pinsan nya ng manuod ng concert, nagbaon kami ng maraming hotdog sandwich kasi alam namin magugutom kami dun, pero nung papasok na kami hinarangan kami ng mga bouncer kasi bawala pala magdala ng pagkain sa loob kaya naman pilit naming inubos lahat yun para makapasok, dahil wala naman kaming budget e bronze ticket lang nabili namin kaya dun kami sa huli haha pero okay lang at least part pa rin ako ng historical event na yun.
Nag countdown na nga at pakiramdam ko yun na ang pinaka matagal na countdown sa buhay ko dahil sabik na sabik na talaga akong makita sila sa unang pagkakataon. Yun na nga lumabas na sila, sinindihan na ang mga fireworks at tumugtog na ang MAGASIN! nagsimula na ring tumulo ang isa kong luha sa aking mata, sa galak at sayang aking naramdaman. Sa wakas nakita ko na rin ang mga idolo ko sa unang pagkakataon sama-sama masaya, buo, at tumutugtog. napakasaya ko ng gabing iyon SOBRA!
kahit mainit at dahil sa sobrang daming tao at sikip, tiis lang, tiad lang para sila’y masilip, nakakauhaw, walang mabilhan ng tubig, kulang na sa hangin, mahirap ng huminga, pero okay lang basta mapanuod sila. may grupo sa likod namin ang hinuli ng mga bouncer dahil nagtsotsongki sila, kahit natatakot na ko nun wapakels lang, basta makita sila.
Kasama dapat nun ang isa pang alamat na si Kiko Magalona para makipag-duet kay ely ng superproxy pero sa kasamaang palad ilang araw bago maganap ang concert, binawian na sya ng buhay. Kinanta ng eheads ang KALEIDOSCOPE WORLD bilang pagbibibgay pugay kay Francis M. lahat ng tao kumakaway sa saliw ng musika, lahat nagkakaisa para pasalamatan ang king of rap!
Sa huli tinugtog nila ang pinaka paborito kong kanta “ANG HULING EL BIMBO” napakaganda ng gabing iyon habang tinutugtog yon may fireworks display pang ginaganap sa langit at ang pinaka malupit ay nung nag piano pa si ely sa sinunog nyang piano na bahagi ng album nilang sticker happy, di ko malaman kung bakit nya ginawa yun, pero siguro malamang ay hudyat na nga yun ng pagbura nila ng eheads ngunit sa mga alaala naman namin ay mananatili ito.
Kaya muli salamat sa inyo mga Idol Ely Buendia, Raimund Marasigan, Buddy Zabala at Markus Adoro MABUHAY KAYO! MABUHAY ANG MUSIKANG PILIPINO! MABUHAY ANG ERASERHEADS
Eraserheads will never be ERASED from our HEADS. ™
THE ERASERHEADS