Posts tagged: ra rivera

PEDICAB ka ba?
PEDICABang maka DATE ngayong Valentines? :)

PEDICAB ka ba?

PEDICABang maka DATE ngayong Valentines? :)

“NAG IISA LANG AKO” libro ni Tado Jimenez

“Kung moral values ang iyong hanap, fairytales ang basahin mo. Kung naghahanap ka ng aral, basahin mo textbooks, encyclopedia. Kung gusto mong may matutunan, dictionary na lang. Kung gusto mo heartbraking, kay joe d mango. At kung gusto mo ay basta masaya lang , wag ka na lang magbasa. Makipag-kwentuhan ka sa tao. Sa panghuli, kung gusto mo nag-aalab at sagad-sagarang na tipong matatalamsikan ka ng inspirasyon…aba, sinabi ko na di ba, WAG ITO!” -TADO

Sa WAKAS natapos ko na din basahin ang libro ng isa sa mga idolo ko hehe, Una nagulat ako kung anong naisipan nya para maglabas ng isang libro pero sa bandang huli anintindihan ko na rin kung bakit.

Mga REAKSYON ng mga nakakita ng librong ito:

1. Si TADO may Libro?
2. Anong Mapapala mo jan?
3. Puro katangahan lang mga nakalagay jan e
4. Bat ka bumili? Aksaya ka lang ng pera.
5. Sari sari ka anak
6. Sinubukan sigurong gayahin si Bob Ong
7. HIMALA!
8. 150? ang mahal naman
9. IDOL mo si TADO? Nasisiraan ka na ba?
10. Uy ASTIG!

Unang buklat pa lang sa libro napaisip na agad ako sa isang QUOTATION na galing sa kanya. “Mabuti pa ang unggoy hindi nya alam sya ay unggoy, Ang TAO kinalimutan ng magpaka TAO.”

Nagbigay ng PAUNANG SALITA ang isa rin sa mga Idol ko si Ramon “DRAGON” Bautista, syempre kwela to si Ramon pa! pero kahit ganun ang style nya, mapagiisip ka din sa mga sinasabi nya na HINDI KA LUGI SA PAGBILI NG LIBRO NI TADO bakit? isa ako sa mga mapalad na umisip na bumili ng isang libro “Dalawang bagay ang pinapatunayan niyan, Una, Matalino ka. Matalino ka kasi nagbabasa ka. Sa pagbabasa ng libro, pinapakita mo na hindi ka mangmang maski lahat ng pondo ng gobyerno ay napunta sa bulsa ni congressman, Pangalawa, bukas ang isip mo sa kaalaman at opinyon. Mahalagang bagay ito dahil kapag bukas ang isip mo, lalo kang nakakasagap ng kaalaman at nakakabuo ka ng pansarili mong pananaw sa mundo at ang epekto nito, lalo kang tumatalino.” “Sulit naman kung sulit. Hindi lang papel na pamunas ng puwet ang nabili mo kundi TALINO.” -Ramon Bautista

My pagkakaparehas din pala kami ni Tado “Anong gusto mo paglaki mo? Sa ganyan natin sinusukat ang mararating ng pinagtatanungan, walang batang Filipino na hindi sinagot yan. At nasagot Maliban..” sa aming DALAWA katulad nya di ko rin masagot to nung bata pa ako, Gulong gulo ako kung ano gusto ko maging paglaki at hanggang ngayon isang taon na lang at gagraduate na ko sa College eh di pa rin malinaw sa isip ko kung anong gusto ko. Siguro kasi MADAMI akong Gusto hindi lang isa, kasi pag tinanong ka ng ganan specific dapat sagot mo eh. Eh kung sagutin mo naman ng ka pilosopohan ang mga matatanda na nagtatanong sayo nyan nung bata ka pa eh sigurado papagalitan ka “Pag bata ka at pilosopo insulto yun sa mga matatanda. Pero pag tanda at pilosopo ka, may aral yun sa mga bata.” -Tado pero malinaw na sa akin ang gusto ni tado paglaki nya ang maging isang NINJA!

Sa librong ito kinwento nya ang buhay nya oh diba parang MMK lang? Ang mga pinagdaanan nya sa buhay sa pagiging isang artista nya, ang pagmamahal nya sa Sining, sa Publiko at sa ating Inang Bayan, Ang pagka HUMALING nya sa ROCK MUSIC! ang pagkakapasok nya sa MOWELFUND kasama ang mga IDOL ko ding sina RA RIVERA at JUN SABAYTON, ang paglalakad nya mula Marikina to Cubao dahil walang pamasahe, Ang pagtae sa CR at hindi iFlush ang pagtitinda nya ng Ice Candy para makapanuod sa BETA house, Ang mga aso nyang si Kulog at Kidlat na di kalaunan ay knyang Pinulutan, Ang pagiging Panginoong may Tubig nya sa Bagong Silang, Ang kanyang SUPLADO TIPS, ang pagbangon nila mula sa ONDOY, ang LimiTADO dressed to kill shop nya, Ang STRANGEBREW at BREWRATS, si BUGOY the VW Beetle, Front man ng bandang Live Tilapia, DJ sa radio, ang pagaaral sa PUP Sta.Mesa, pagiging isang DAKILA, ang pagiging consultant nya sa Special Projects to the office of Vice Mayor of Marikina, ASINTADO publisher, Mga Top 100 Lists lalo na yung 100 Must Do’s before I die ASIG nun! at hindi lang naman yan ang mga napulot ko sa librong ito syempre may mga ARAL din higit sa lahat ang ilan sa mga KATAGA nyang tatatak na sa isip ko habang buhay.

“Mabuti ng Magnakaw kesa Mamakla” dito sila nagkaaway ni VICE GANDA dati eh pero “Friends” na daw sila ngayon.

Ang pagsisimula ng mga kaguluhan nang dahil sa Ano at Bakit

Tambay1: ANONG tinitingin-tingin mo?
Tambay2: BAKIT palag ka?

Masarap maging tambay kung may layunin kang bunuin ang mga sandali. Kung gusto mong daigin ang bawat pagkakataon. Hindi carreer ang pagiging tambay. Pero madami sa atin ay kina-carreer ang maging tambay.” -Tado

“Tayo ay ganito dahil hinayaan natin maging ganito tayo.” -Tado, Isang kataga na nagpapalala sa atin na wag tayong magpabaya may pag-asa pa kumilos tayong lahat para sa ikauunlad ng bawat isa.

“kung sino pa ang walanghiya sya pa ang pinagpapala” -Tado, Tunay naman di ba? pangitang pangita naman eh.

Ilan lang yan sa mga mapupulot mong aral sa librong ito, kaya di talaga ako nagsisisi na binili at pinag aksayahan ko ng oras basahin ito dahil hindi ako LUGI!.

Yun nga lang andami pang TYPOGRAPHICAL ERROR! hihihi… brr..

If not now when pa? If not us then who pa?
RA Rivera
Ang tunay na PAG-IBIG nagsisimula sa MALISYA
RA Rivera

The Name’s Jacci, Jacci Rocha!

RAKENROL bukas na sa mga sinehan! \m/

Isang Kwento Tungkol sa PAG-IBIG

Isang Kwento Tungkol sa CHILD STAR

Isang Kwento Tungkol sa ART

Isang Kwento Tungkol sa RAKENROL!

DITO TAYO SA DILIM|KAPIT SA PATALIM

DITO TAYO SA DILIM|KAPIT SA PATALIM

Word of the LOURD

Para kay Sir Lourd de Veyra alam ko di tayo close at di mo ko kilala pero isa ako sa mga taga hanga mo, akala ko sa Musika lang kita maituturing na Idolo pero pati rin pala sa mga ideolohiya at pananaw mo sa buhay lalong lalo na sa Word of the LOURD hinahangaan ko ang buong team ng word of the lourd kasi kahit sa SCHOOL namin ginagamit ng teacher ko ang mga videos mo para kami ay matuto at maimulat sa amin ang katotohanang nagaganap sa ating bansa.

MABUHAY ka LOURD de VEYRA!

Ang CINEMA ay isang MALAYANG SINING, parang ICE CREAM, parang BUHAY, MARAMING KULAY
Rodolfo “Jun” Sabayton Jr.

rarivera:

I’m not a digital artist, I am a Filipino.

BIGOTILYO by rakenrozs

BIGOTILYO by rakenrozs