Posts tagged: pag ibig
Hindi ko alam kung bakit? Hindi ko alam ang dahilan. Hindi ko alam ang nangyari. Hindi ko alam kung papaano? Hindi ko alam kung nagkaroon ng himala? Hindi ko alam kung ano bang nagawa ko? Hindi ko alam magkakaganito. Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam.
PWEDE PALA? PWEDE RIN PALA!?
Wala kasi akong binatbat sa kanila eh. Wala akong maipagmamalaki, Angat sila lahat sa akin. Wala akong kayang ipagyabang, Oo talo ako mas magaling sila sa akin.
Pero ito ang hindi ko maintindihan. Bakit ako?
Una di ako gwapo nga, mas gwapo sila, hindi pala kailangan magandang lalaki eh, pwede pala yun. Mataba ako, maganda ang katawan nila, hindi pala kailangan macho, pwede pala yun. Kuripot ako, sila mayaman, hindi pala kailangan ng pera, pwede pala yun. Average student lang ako , sila magagaling, sa pagsasalita pa lang ng ingles iwan ako, pero hindi pala kailangan na matalino, pwede pala yun. Puro ako pimples, sila makikinis, hindi pala kailangan na flawless, pwede pala yun. Angat sila sakin lahat, Talo ako sa bawat aspeto na maikukumpara, hindi pala kailangan maging perpekto sa mga mata nya, pwede pala yun.
Sa mga naging Ex-Bf nya, Crush, Manliligaw, at naka M.U. alam ko wala akong binatbat sa kanila. Pero isa lang ang alam ko na alam ko sa sarili ko na hindi ako talo sa kanilang lahat. Yun ay ang PAGMAMAHAL ko sa kanya, ang TIWALA nya sa akin, at kung gaano namin NAUUNAWAAN ang bawat isa.
Pero yung pure at tunay na pagmamahal, yung tapat na pag-ibig, yung mabuting intensyon, yung mga pangarap na nais mong matupad kasama siya, meron ako nun, yun pala yun. Yung respeto at tiwala para sa isa’t isa, alam mo yun, yung pagmamahal nyo sa isa’t isa.
Pwede pala yun.
Ang PARALUMAN <3 sleepinglily at ang ROCKSTAR \m/ rakenrosz
Aking Paraluman
sabay tayong lilikha ng musika
musikang puno ng pag-ibig
payapa, mahinahaon at masaya
pag-ibig na dalisay
awit na makulay
ritmo na aagos parang tubig
misteryoso at tahimik
hindi kayang maintindihan ng kung sino man
dahil para lamang sa pusong nagmamahalan
musika at pag-ibig ay nagkatagpo
tunay ngang kay hiwaga at totoo
Paraluman halika ako’y iyong hagkan
balutin ng iyong pag-ibig na walang hanggan
awit ng musika dala ay pag-ibig
halika at sumabay sa aking himig
Ang pag-ibig ko sayo ay parang anino dahil dala mo ang pag-ibig ko kahit saan ka man magpunta, parang anino na minsan ay hindi mo makita, ngunit alam mo namang hindi yun mawawala sayo.
Hindi ka bulag para hindi mo makita ang tunay na nangyayari, hindi ka bingi para hindi mo marinig ang katotohanan , hindi ka rin manhid para hindi mo maramdaman na hindi ka na niya talaga mahal at wala ng pag-asa pa, hindi ka rin naman pipi para hindi mo masabi sa sarili mo na “Wala na akong magagawa, ayaw na niya, diba yun naman ang gusto ko, pero bakit hindi ako masaya?” at hindi ka rin tanga para ngayon mo lang maisip na mali ka, na abusuhin ang pag-ibig niya, na saktan ang puso nya, at sayangin ang pagmamahal na binigay niya, kung kailan nakikita mo siyang mas masaya sa piling ng iba.
Ano ba yan love? Araw-araw na tayo magkasama mula lunes hanggang sabado, baka magsawa ka na sa'kin?
Ha? HAHAHAHA! Di nga ako makatiis ng hindi ka nakikita at nakakasama eh, tingin mo magsasawa pa ko netong lagay na to?
:)
Di mo ba nakikita na mahal na mahal nila ang isa’t isa? Wag ka ng umeksena. Nagmumukha ka lang tanga! Magandang araw mga bata.
Wag mong ikahiya ang pimples mo, tanda lang yan ng labis labis na pagmamahal sa taong mahal mo Hihi.
at ikaw ang natatanging tao sa buhay ko na nakakuha ng puso ko.