Posts tagged: eraserheads

erasersandheads:

TIENDE!
Tiendesitas Independence Week! Spot June 13 schedule! Ely’s Oktave, Marcus’ Markus Higway, Raims’ Sandwich, and Buddy’s The Dawn!
ERASERHEADS’ OFF-SHOOT BANDS TO PLAY IN ONE GIG! LET’S G!

erasersandheads:

TIENDE!


Tiendesitas Independence Week! Spot June 13 schedule! Ely’s Oktave, Marcus’ Markus Higway, Raims’ Sandwich, and Buddy’s The Dawn!


ERASERHEADS
’ OFF-SHOOT BANDS TO PLAY IN ONE GIG! LET’S G!

plumagrapiya:

“Maniwala ka sana makakarating din tayo kung saan tayo patungo ang daan ay liko liko mawala man tayo kita kita sa dulo.”

Sa buhay natin maraming pagsubok, kasama talaga yun para makita at malaman natin kung gaano tayo katatag at kung hanggang saan natin kaya. Mga pagsubok na lalong magpapatibay sa atin, lalong magpapatapang sa atin. Ang tapang ay hindi nasusukat sa dami ng tao na iyong nabugbog, kinakaya-kaya o sinasaktan, ang tunay na tapang ay ang pagbangon mula sa iyong pagkakadapa. Tumayo at lumaban sumabay sa agos ng buhay, mahirap pero makabuluhan, kaya naman kaibigan Kita kita sa dulo ah?

plumagrapiya:

“Maniwala ka sana makakarating din tayo kung saan tayo patungo ang daan ay liko liko mawala man tayo kita kita sa dulo.”

Sa buhay natin maraming pagsubok, kasama talaga yun para makita at malaman natin kung gaano tayo katatag at kung hanggang saan natin kaya. Mga pagsubok na lalong magpapatibay sa atin, lalong magpapatapang sa atin. Ang tapang ay hindi nasusukat sa dami ng tao na iyong nabugbog, kinakaya-kaya o sinasaktan, ang tunay na tapang ay ang pagbangon mula sa iyong pagkakadapa. Tumayo at lumaban sumabay sa agos ng buhay, mahirap pero makabuluhan, kaya naman kaibigan Kita kita sa dulo ah?

Overdrive


“Alam mo meron akong pangarap sa buhay sana matupad na”


Tanging pangarap ko lamang naman sa buhay ay ang makasama kahanggang sa ating pagtanda, sa magpakailanman, hanggang sa langit, makasama ka ng walang hanggan ng maligaya, tahimik at nagmamahalan, Aabutin natin ang mga pangarap natin ng magkasabay at magkatulong, Gagawin natin lahat ng mga bagay na gusto natin ng magkasama,Haharapin at lulutasin natin bawat problemang magdaraan sa atin.


“Magda-drive ako hanggang Baguio
magda-drive ako hanggang Bicol
magda-drive ako hanggang Batangas
tapos magswi-swimming d’on sa beach”

Pangarap kong makapag drive hanggang Baguio tingin ko isang napakalaking challenge ang mag drive hanggang Baguio para sa akin bukod sa malayo, matarik, puro bangin at delikado. Gusto ko rin makapagroadtrip sa Baguio kasama ang mahal ko kasi gusto niya sa malalamig na lugar, tingin ko isang napaka gandang adventure nun para sa amin mahilig kasi kami mag adventure. Sa Bicol, gusto nya naman akong dalhin doon, sabi nya tiyak raw na ikatutuwa ko ang magpunta doon lalo na’t mahilig ako sa maaanghang ”Yan na ang Bicol” naging bansag yan sa akin ng mga kaklase ko sa tuwing isinasabaw ko na ang Hot sauce sa pagkain o nag pipisa ng maraming sili sa sawsawang toyo o suka. Gusto nya akong dalhin rin sa Bicol para masilayan ang Fiesta ng Peñafrancia doon sa lugar kung saan nagmula ang kanyang ama, Iparanas sakin ang mag swimming kasama ang mga Butanding kahit alam nyang takot ako sa malalim na tubig dahil hindi naman ako marunong lumangoy. Ang mag wakeboarding sa CamSur. Lalo na ang pangarap ko na
makapag SURF. Batangas, dito kami galing dalawa, ako sa Tanauan, siya ay sa Lipa. Mahilig siya sa tubig lalo na sa Ulan at Dagat. Pangarap namin na One day makapag Beach kaming dalawa, kaming dalawa lang talaga.


“Isasama ko ang girlfriend ko
isasama ko kahit sinong may gusto
kahit may kasama siyang aso
basta’t meron siyang dalang sariling buto”

Syempre gusto ko laging kasama si love sa bawat roadtrip na gagawin ko, gusto ko ipakita sa kanya ang isang Church sa taas ng Hill at sobrang ganda ng view doon. Isasama ko ang mga kaibigan ko, kaklase, mga pinsan. Masaya kasing kasama sila e. Hmmm kung may kasama silang aso? osige na nga okay lang basta yung hindi nangangagat at yung cute. Natrauma na kasi ako sa aso mula ng makagat ako nitong nakaraang taon lang. (Takot naman talaga ako sa aso mula pa noong bata hehe…


“Magdadala ako ng pagkain
burger fries tapsilog at siopao
magda-drive ako hanggang Visayas
magda-drive ako hanggang sa Mindanao”

Oo dapat talaga maraming baong pagkain pag nag-roadtrip, magutumin kasi ako e (pero hindi matakaw hehe WEH? xD) Burger? Okay na sa akin ang Burger Yum ng Jollibee favorite ko yun e! pero pag Cheese Burger MCDO ang gusto ko. Fries? MCDO pa rin. Tapsilog? favorite namin dalawa yun basta mau suka at sili na sawsawan yun ata kinain namin sa first dinner namin. Nais kong lakbayin ang buong Pilipinas, naniniwala ako na mas maganda rito kesa sa ibang bansa, mas maganda ang mga tanawin dito kasi natural. Sa ibang bansa naman kasi puros gawa ng mga tao ang dinarayo katulad na lang ng mga theme park, mga nagtataasang building, mga landmarks. Pero sa Pinas iba tayo! mismong Kalikasan ang mag-eenganyo sayo para makita ito. Kahit naghihirap ang Pilipinas alam ko marami pa rin tayong dapat ipagmalaki sa ating bansa.


“Magda-drive ako buong taon
magda-drive ako habang buhay
magda-drive ako hanggang buwan
please please lang turuan mo
akong magdrive”

Ako ang taong mahilig magmaneho, gusto ko lagi ako ang may hawak ng manibela sa tuwing aalis kami dala ang sasakyan. Ewan ko, hindi ko alam kung bakit pero masayang masaya ako tuwing nagmamaneho lalo na pag mahahabang roadtrip at
pinapayagan ako ng mga magulang ko na ako ang mag drive. Natutuwa ako kasi pinagkakatiwalaan nila na ako mag drive, ibig sabihin pinagkakatiwala nila ang buhay nila sa akin. Nakapataw sa akin ang malaking responisibilidad kaya naman talagang nag-iingat ako sa tuwing hawak ko ang manibela. Basta mag da-drive ako hanggang
gusto ko, hanggang kaya ko. Di pa aman ako ganoong kabihasa sa pagmamaneho alam ko marami pa akong kailangang matutunan lalo na sa pag PARK ng sasakyan haha


“Gusto kong matutong magdrive (kahit na walang kotse)
gusto kong matutong magdrive (kahit na walang lisensya)
magdrive….drive drive”

Gusto ko talaga mag drive kahit wala naman akong kotse kasi sa mga magulang ko naman yun eh, Malakas ang loob ko dahil nagda-drive ako ng walang lisensya at kung meron man student liscencs lang, pag ganun kasi kailangan may kasama kang Non-Pro o Pro habang nagmamaneho. Gusto ko mag-drive eh:)

Nakoo ang dami ko na yatang nasabi…

“Buti pa kumain na lang tayo
Ah, gusto mo ng, ah, tahong?
Gusto mo ng labong?
Spaghetti?
Patitocini?
Bananaque?
Nilagang suso?
Tahong Chips Ahoy?
Gusto mo ng tapoy?
Burokoli?
Peanut britul, na may pecan?
Gusto mo ng, ah, kapeng barako?
Blue marlin?
Panga? Durian?
Shalinga?
Peanut kisses?
Ah..champuy?
Lomi?
Shawarma?
Buko pie?
Humus?
Hot sauce?
Ox brain? (kelangan mo nun)
Leche flan?
Kalderetang kambing?
Pinatuyong itlog ng kabayo?
Silicon implant?
Ginataang manok?
Ginataang gata?
Ginataang niyog?
Sarap no?
(Di mo nasabi yung susi)
Ginataang susi”

rakenrosz:

Ang buhay natin ay parang isang roadtrip isang mahabang byahe. Ihahanda mo ang ayong sasakyan (sarili) at ang mga bagay na kakailanganin mo bago ka lumarga para maging handa ka sa kung ano mang problema ang makakasalubong mo sa daan  (hamon ng buhay) sa byaheng ito pipiliin mo kung
sinong mga gusto mong isama najan ang mga kapamilya, kaibigan, kaklase, minamahal at kung sino sino pa. Habang tinatahak mo ang daan ng buhay di maiiwasang may mga bumaba sa iyong sasakyan, sila yung mga taong maiiwan
marahil di na nila kinaya sumabay sa iyong byahe o kailangan na nilang bumalik dahil may ibang daan silang tatahakin pa. May mga tao na makakasalubong mo sa daan (bagong kakilala) paparahin ka at makikisakay sa byahe ng iyong buhay.
May mga taong kahit kailan ay hindi na bababa sa iyong sasakyan dahil handa silang maging anjan lang lagi sa tabi mo. Minsan sa roadtrip di maiiwasan ang masiraan ng sasakyan yung iba hahayaan na lang masira at hindi na muling 
ipagpapatuloy pa ang byahe ng kanilang buhay, yung iba pipilitin ayusin at sisikapin ipagpatuloy ang byahe, nanjan ang mga taong inili mong isakay para tumulong sa iyo sa mga pagkakataong hindi mo na kaya, sila ang magsisilbing lakas mo para magpatuloy. Si Lord ang nagbigay sa atin ng lisensya para
makapag drive tanging student liscence lang ang tanging kaya nyang ibigay dahil araw araw tayo ay kailangan matuto sa byahe ng buhay, kaya walang sinuman ang pwedeng magkaroon ng profesional liscence dahil wala naman
talaga sa atin ang mag sasabing naging eksperto na sila sa pagpapatakbo ng ating mga buhay. Sa roadtrip syempre kailangan may stop over din hindi pwede
yun takbo ka lang ng takbo syempre napapagod ka rin, kailangan mong huminto upang makapagpahinga at makapag isip-isip kung ano ba talagang gusto mong
mangyari sa buhay mo kung anong daan ag gusto mong tahakin. Ikaw mismo ang pipili ng landas na iyong gusto na sa iyo ang desisyon kung saan mo gusto dalhin ang buhay mo kaya sisiguraduhin mo lang na tama ang pinili mo at buo ang
loob mo para maabot ang dulo nito, wag kang susuko, kailangan mong panindigan yan. Ano handa ka na ba? Gusto mo bang sumama? Halika? Samahan mo ako! Tatapakan ko na ang silinyador ng auto ko. Iiwanan na natin ang mundong ito :) 

Rakenrol: Ang muling pagsabak

Sa mahigit isang taon na hindi pagtugtog ng aming banda, nawalan na talaga kami ng pag-asa, akala namin wala na, wala na talaga kaming maibubuga. Kanina iba ang nangyari, kami rin lahat ay nagulat. “WOW! ayos pa naman pala! kaya pa rin natin!” Ang saya saya lang namin kanina sa kinalabasan ng una naming pagtugtog muli bilang isang banda, parang nung highschool lang ng una kaming nabuo. Nagdaan din kami sa mga pagpapapalit ng mga myembro, tampuhan, at problema, pero sa kabila ng lahat nanatili pa rin kaming buo at matibay. Isang samahan na pinagtibay ng pagkakaibigan at pagmamahal sa musika. Kahit umiba na kami mejo ng tugtugan ngayon, hindi pa rin namin nakalimutan na lumingon sa tugtugang bumuo at nagbigay daan sa amin upang makatugtog sa school at plaza ng maraming beses ang tugtugang ERASERHEADS.

2 oras din kaming tumugtog kanina sa bahay yugyugan. Muli Nag Drums si Mavz, Nag Bass si Vinz, Nag Gitara si Kevz, Nag Lead si Rozs (ako) at kumanta si Alli. Nabuahy na naman ang aming musika, lalo na at nakumpleto na ang panlima naming kanta :) “Hanggang Dulo”

abakadamachine:

maireyesxxvi:

Ely BuendiaPasig Catholic College(Elementary) Batch 1983

Batang-bata. Kung titignan mo ang mukha niya sa kasalukuyan at ikukumpara sa larawang ito, malamang mapapansin mo rin na walang pinagbago ang itsura niya. Ngayon alam mo na rin kung saan nanggaling ang pamagat nito: http://www.youtube.com/watch?v=hUgjx-benwU
Halika’t tayo’y magbalik tanaw ng limang minutong pakikinig sa kantang ito.

:D

abakadamachine:

maireyesxxvi:

Ely Buendia
Pasig Catholic College
(Elementary) Batch 1983


Batang-bata. Kung titignan mo ang mukha niya sa kasalukuyan at ikukumpara sa larawang ito, malamang mapapansin mo rin na walang pinagbago ang itsura niya. Ngayon alam mo na rin kung saan nanggaling ang pamagat nito: http://www.youtube.com/watch?v=hUgjx-benwU

Halika’t tayo’y magbalik tanaw ng limang minutong pakikinig sa kantang ito.

:D

Nangangarap na ibalik ang kahapon
Di mo malaman kung bakit
Kailangang magbago ang lahat
Magbago ang lahat, Magbago ang lahat
Sa buhay mo.
Walang Nagbago
With a Smile :)

“Lift your head, baby, don’t be scared
Of the things that could go wrong along the way”

Love, Baby, Lovey, Babylove, Bata, Kulit, Sweet.
Salamat at nagkakilala tayo, salamat at pinagtagpo tayo.
Di ko akalain na aabot tayo sa ganito, di ko akalain na
magkakapalagayan at magkakahulugan tayo ng loob. Ang
galing nga naman ng tadhana, samantalang dati, hindi
kita pinapansin, hindi kita kinakausap, pero ngayon gusto
ko araw araw kitang kasama at nakakausap, parang POOF!
bigla na lang nagkaganito, Mahal na kita, mahal mo na rin ako.
Paano nga ba tayo humantong sa ganito? Mahabang kwento,
basta ako pangako sayo “Huwag kang matakot, hindi mo ba
alam nandito lang ako sa iyong tabi, di kita pababayaan
kailanman.” diba lagi ko naman sinasabi sayo “Ako ang bahala
sayo.” at alam mo naman pag sinasabi ko sayo yan, ni isang
beses hindi pa pumapalpak at magaganda ang nangyayari :)

“You’ll get by with a smile
You can’t win at everything but you can try.”

Maging masaya ka lang lagi ha?, smile lang. Kaya naman lagi
akong napapahinto at napapatula kasi natutunaw ako sa mga
ngiti mo, ang sarap titigan eh, bigla na lang gumagaan ang
pakiramdam ko pag nakikita kang masaya at nakangiti, na
kahit minsan pinipikon mo ko o kinukulit, ngumingiti ka lang
nagiging okay na ko kasi alam na alam mo naman na hindi ko
kayang magalit sayo. Ang dami nating pangarap na gustong
tuparin ng sabay, minsan nangangarap na lang tayo na sana
magkapitbahay na lang tayo para anytime napupuntahan natin
ang isa’t isa, pero ayun nga lang hindi e. Hindi naman kasi sa
lahat ng bagay panalo tayo o pabor sa atin, pero kahit ganun
lagi pa ring may paraang ginagawa para tayo ay magkita, wala
sa akin ang magpabalik-balik ng Lipa-Tanauan, basta makasama
at makita ka lang. “Kung gusto may paraan” yun ang gawain natin
eh, lagi tayong sumusubok ng mga bagay bagay, mga trip, mga
kalokohan, kahit minsan hindi gumagana okay lang at least nag
try tayo at hindi sumuko kaagad.

“Baby, you don’t have to worry
‘Coz there ain’t no need to hurry
No one ever said that there’s an easy way”

Lagi mo sa aking sinasabi at lalong lalo na pinaparamdam na
wag din akong matakot, na hinding hindi mo ako iiwan, na hindi
ka mawawala, na hindi ka bibitaw, at magkasama tayong tatanda,
aalgaan mo ako, at buong buhay natin tayo ay magsasama at
magmamahalan magpakailanman. Gustong gusto mo na akong
sagutin pero pinipigilan mo lang sarili mo kasi sabi mo nga hindi
dapat minamadali ang mga bagay na ganito, at mas mabuti na
ang pinaghihirapan kesa sa madalian. Dahil sa mundo ng pag-ibig
walang madali, lahat mahirap, lahat may pagsubok, at sa oras na
mapagtagumpayan ito, Oh anong ligaya ang madadarama.

“When they’re closing all their doors
And they don’t want you anymore
This sounds funny but I’ll say it anyway.

Girl I’ll stay through the bad times
Even if I have to fetch you everyday”

Sa mga oras na mag-isa ka at wala kang mapuntahan, sa mga
oras na akala mo walang gustong tumulong sayo, nandito lang
ako palagi sa tabi mo, handang dumamay sayo sa hirap man o
ginhawa, lungkot man o ligaya, asahan mo sasamahan kita, kaya
nga dumating na ako e ;) at hindi na ako mawawala PANGAKO.
Aalagaan kita, babantayan, poprotektahan, gagabayan,
patatawanin, pasasayahin… lahat lahat para sayo, gagawin ko.

“In a world where everybody
Hates a happy ending story
It’s a wonder love can make the world go round
And don’t let it bring you down
And turn your face into a frown
You’ll get along with a little prayer and a song.”

Hindi madali ang kinalalagyan natin ngayon, alam natin pareho
yun. May mga taong sadyang nais manggulo pa kahit tayo ay
lumalagay na sa tahimik, may mga problemang sadyang hindi
maiwasiwasan, may mga tampuhan na nangyayari minsan, pero
sadyang ganun ang buhay, may mga tao at pangyayari na pipigilan
ka talaga na maging maligaya, ngunit buti na lang “May langit na
nagtatanggol sa pag-ibig na pursigido at matiyaga.” Ang mahalaga
ay tunay tayong nagmamahalan, ang mahalaga na sa puso ng bawat
ay hindi na mawawala ang pag-ibig na binuo nating dalawa. Ikaw na
nga rin ang nagsabi sakin na…

“I promise to love and take care of you,
to give you all of my heart, to make sure you know just how much
I love you, and to always be there for you in all the seasons of your life.
You may not be my first but this time I will make sure you will be the last.
No matter what challenges meet us along the way, you can be sure you
have somebody to lean on. Somebody who will never give up on you.
Somebody who will be proud to love you. I will be your comfort when
you are in pain. I will be your sun when the clouds pour forth the rain.
I will be your pillow when you sleep, be the hands that wipe your tears
when you weep. I will be your moon when it’s dark at night, and be the
brightest candle to give you light. I will be the strength that holds you
up when you are weak, be the only relief that you seek. You will be the
keeper of my heart, you hold the only key. You are my true raindrop and
I have fallen in love with you, fallen into a love so free. You have shown
me what love’s supposed to be, that in every fight I do not have to work
alone because you will always be there fighting for me too. The simplest
things you do to the grandest of your plans for me, you do with all the
love you have in you. You talk of love with such grace and respect then
show it to me wholeheartedly and for that I am proud of you. Thank you
for being strong, for being gentle, for being kind and unselfish.
To have never let me go amidst every difficulty you faced;
You are the bravest of them all.”

Minsan napapaiyak o nalulungkot ka dahil sa mga taong ginugulo
ka pa, sinasabi mo pa sa akin na wag kitang ibabalik sa kanya,
dahil ayaw mo ng muling masaktan pa at tapos na ang lahat ng
paghihirap, ngayon ay bumangon ka na at nakatayong muli, matatag
at puno lakas ng loob at muling nanumbalik sa iyong mga mata ang
sigla dahil sa wakas malaya ka na. Ito na ang bagong simula.
Pangako sayo Oo, Hinding hindi ko gagawin yun, ang mga nangyari
sa iyong nakaraan, lahat ng sakit at sugat ay sabay nating hihilumin.
Ipaglalaban kita. Hindi ka na muli pang masasaktan, hindi ka na muli
mag-iisa. Wag mong hayaang ilugmok ka muli ng iyong mga pagkakamali,
ang iyong nakaraan ay nabigyan ka na ng leksyon. Salamat at sa akin
mo ipinagkatiwala ang pag-ibig mo. Pangako, iingatan ko ito.

“Now it’s time to kiss away those tears goodbye”

Tapos na ang lahat ng paghihirap. Kay tagal kitang hinintay, ngayon ay
nandito ka na. Ito na ang bagong simula sa buhay nating dalawa, bubuo
tayo ng pundasyon na kailanman ay walang kahit ano o sino na makaka-
sira. Dahil alam kong matibay tayo, dahil sinabi mo at alam kong tutuparin
mo itong pangako mo…

“Hindi ko maipapangakoo sa’yo na hindi tayo mag-aaway, dahil wala
namang perpektong relasyon. Dadating at dadating ang mga oras na
magkakaroon tayo ng di pagkakaintindihan o gulo, pero ipinapangako
ko naman sa’yo na kahit ganun di kita iiwan. Aayusin natin ang bawat
problema isa-isa. Dahil ikaw ang gusto kong makasama panghabangbuhay.
Poprotektahan at aalagaan kita. Ipaglalaban kita.. Dahil mahal na mahal kita.”

Hindi natin malilimutan ang ating nakaraan, kaya;t hayaan na lang natin
itong magsilbing leksyon upang hindi na maulit pa ang mga pagkakamali
sa ngayon at sa hinaharap.

Let me hear you singing… Too doo doo doo…

Mahal na mahal kita. I love you oh so very very much!
“Lian matulog ka na, wag kang mag-alala, bukas pag-gising mo mahal pa rin kita”

Wala

Ako ay naglalakad
Sa isang makipot na daan
Ako ay patungo sa sandaigdigan
Ako ay may nakasalubong
Na binibini sa daan
Lumapit siya at nagtanong
Pwede mo ba akong matulungan

Alam mo ba kung nasaan ang simbahan
Sabi ko di ko alam ang aking pinagmulan
Wala ding daan
Sabi nya alam mo ba kung saan ang istasyon ng tren
Sabi ko baka gusto mong sumilong
Kasi malakas na ang ulan
Sabi nya sige bibili lang ako ng ice cream
Sabi ko alam mo ba sa totoo lang

Wala nang….
Wala nang daan

Siya raw ay nag-iisa
Nais mo daw bang sumama?
Ngunit ako ay uuwi na

Pagkat

Wala na…..

Hard to Believe

“I find it hard to believe
That all the pain that we are feeling
Has some meaning in this world”

Mahirap man paniwalaan, mahirap man tanggapin, ang mga
sakit at pagsubok na natatanggap natin ay may rason kung
bakit ito nangyayari sa ating mga buhay. Marahil may leksyon
tayong matututunan sa bawat problema na ating kahaharapin.

“It’s so hard to believe
That everything you see is different
From the things that you’ve been told”

Marahil ay naguguluhan ka kung bakit ganito? , bakit ganyan?
sabi ng iba masarap mabuhay kaya enjoyin mo ito habang
naririto ka pa sa mundong ibabaw, pero eto ka ngayon malungkot,
problemado, at hindi ka mapakali. Maiisip mong unfair ang buhay,
pero lahat naman ng tao dumadaan sa ganun eh, hindi lang ikaw
ang may problema, yung iba nga mas mabigat pa ang dinadala
sayo, kaya naman wag mong iisipin yun. Sa buhay minsan talaga
nasa baba ka, minsan nasa taas.

“I find it hard to believe
That someone up there is waiting
With arms open wide and smiling”

Sa lahat ng oras magtiwala ka lang sa kanya, sa Panginoon. Dahil
sa lahat ng oras andyan lang siya lagi para sa atin, hindi niya tayo
pababayaan at bibigyan ng pagsubok na hindi naman natin kaya.
Anjan lang siya para tayo ay gabayan, at kahit minsan nawawalan
ka ng pananamapalataya sa kanya o nakakagawa ng kasalanan,
anjan pa rin siya para sayo, handa kang patawarin at tanggapin,
dahil mahal nya tayo. Ang pagmamahal nya sa atin ay walang
hangganan.

“It’s so hard to believe
When someone told me that your suffering
Is what you get for living”

Ang bawat paglutas at pagharap sa mga pagsubok ay siyang
magpapatibay sa atin bilang mga indibidwal. Ito ang realidad
ng buhay kailangan dumaan sa hirap para sa muling pagbangon
ay mas mananatili tayong matatag. Kung ikaw ay hindi nakaranas
mahirapan tiyak na madali kang tutumba, hindi tulad ng mga tao
na nagdarran na rito, sigurado kakayanin nila.

“I wanted life to be this way
Just a little bit of love could mean so much
O please don’t take it all away
But with you heaven is still close enough to touch
Because your love is still the only thing
That matters in this world
The only thing I can believe…”

Masaya na ako sa ganitong buhay, tanggap ko na nga na minsan
darating ang mga oras na talagang mahihirapan ka at pakiramdam
mong walang wala ka ng kakapitan, pero sa bandang huli, sa mga
ganitong pagkakataon, dito mo makikita ang mga taong tunay na
nagmamahal sayo. Pamilya, Minamahal, Kaibigan at ang Panginoon.
Tanging sa pagmamahal ng mga taong yan nakakakuha ako ng
lakas. Mga pagmamahal na ibinibigay sa akin na tanging pinaniniwalaan
ko.

Sa mga sandaling ito, muli ko na namang nailabas ang nasa isipan
ko, at dahil doon nakakausap ko ang sarili ko, kung sino na ba talaga
ako. Araw araw may tinuturo sa aking leksyon ang buhay
Marahil nga ako na rin siyang nagpapayo sa sarili ko. WEIRD KO.

Trip to Jerusalem

“Open your door
Dance on the floor
Hey what’s your name?
Let’s play a game
Let it begin
Your head will spin
I am the champ
Come see me stomp”

Halika at pumasok sa mundo kung saan ang lahat ay komplikado.
Lahat ng bagay ay limitado, laging may kokontra, laging may mga
sagabal, laging may problema, kung saan ag lahat ay paulit-ulit
lang, paikot-ikot, minsan nasa taas minsan nasa baba. Ito ang
realidad, ito ang buhay, ito ang realidad ng buhay. Kung ang buhay
ay isang laro upang subukan ang tatag mo at kaya mo, pwes wag
mong hayaan na mapaglaruan ka nito. Ipakita mo sa kanila na di
ka basta papatalo, paikut-ikutin kaman ng mga taong nakapaligid
sayo, asahan mo may kasama ka, tingnan mo ako, nandito lang
ako para tumulong sayo.

“It never ends…
It never ends…
It never ends… “

Dahil ang buhay ay hindi natatapos oras na sumuko ka sa laban.
Magpapatuloy-tuloy lang ito sa pag-ikot para subukan ka, kaya
walang silbi ang pagsuko, lumaban ka, ipakita mong matapang ka!
dahil kung mahina ang loob mo at hindi mo haharapin ang buhay,
lalo ka lang dudurugin nito.

“Sometimes you win
Sometimes you fail”

Sa buhay talaga minsan panalo, minsan talo. Normal lang naman
yun. Pero wag mong hahayaan lagi ka na lang talo, dapat mas lagi
lamang ang panalo, gamitin mo ang iyong pagkakadapa noon sa
muli mong pagbangon ngayon upang harapin ang bukas. Alam natin
lahat na hindi naman talaga dumadating ang bukas, dahil palaging
may bukas pero para sa akin hindi mo talaga makikita ang bukas
kung patuloy kang papalamon sa nakaraan at hindi mo kayang
harapin ang ngayon.

“Just when you think you’ve gone so far
You’ll find yourself, back to the start… “

Minsan sa buhay akala natin, nakamit na natin lahat, naabot na
natin ang rurok nito, pero sa bandang huli maiisip natin sa ating
mga sarili na hindi pa pala, marami pa tayong dapat gawin para
mapaganda ang buhay natin. Hindi naman kasi natatapos ang buhay
eh.

“The music plays like a heavenly choir
Lovely chairs are there if you get tired”

Lahat ng kanya kanya nating buhay ay may taglay na sariling musika
na dapat nating sayawan ang bawat paghimig nito, upang makasabay
sa pag-indak at sa pag-awit ng buhay. Tao lang tayo, may hangganan
din, marunong mapagod, marunong masakatan, maari ka namang
umupo at magpahinga muna eh, pero sinasabi ko sayo na pag kaya mo
na uli, tumayo ka na at muling magsayaw, upang hindi ka maiwan ng
agos ng buhay. Ako naman, ako ang magsisilbing sandigan mo sa mga
oras na gusto mo munang magpahinga o sumuko. Ako angmagsisilbing
pagkukuhanan mo ng lakas ng loob para makabangon uli, dahil para
sayo tinitibayan ko ang aking sarili.

“Don’t listen to a word he says
He’s just trying to distract you
Do your own thing
Stick with what you are…”

Sa buhay anjan talaga ang mga tao na manggugulo sayo, lahat sila
susubukan kang pabagsakin, lahat sila gusto kang sirain, lahat sila
hahadlang upang makamit mo ang kaligayahan at kalayaan na kay
tagal mo ng hinahanap at inaantay. Magagawa lamang nila yun kung
paaapekto ka sa kanila, kung hahayaan mo silang wasakin ka, kung
hindi mo matututunang lumaban at hahayaan mo na lang apihin ka
nila. HUWAG KANG MAKIKINIG SA KUNG ANO MAN ANG SINASABI NILA,
NAIS LAMANG NILA AY GULUHIN KA, SUNDIN MO ANG PUSO MO, SUNDIN
MO ANG NARARAMDAMAN MO, ALAM MO KUNG SINO KA, GAWIN MO
ANG NARARAPAT, GAWIN MO ANG TAMA, GAWIN MO ANG DAPAT HINDI
KA NILA KAYA! kasi ikaw yan! ika ang may hawak ng buhay mo hindi
sila, hindi sila ang magdidikta kung anong dapat mong gawin.

“Oh tell me do you wanna fly?
Fly high way up in the sky
Or maybe you don’t even have to try
All you have to do is follow that star”

Siguro ngayon unti unti na akong pumapasok sa isipan mo, unti unti
ng pumapasok ang mga sinasabi ko sa isipan mo. Ngayon mapagiisip
ka sa mga pinaliwanag ko. Hindi ko naman sinasabi na sundin mo
ako o tama ako, sarili ko lamang itong opinyon, base sa aking mga
naging karanasan. Nais ko lamang ibahagi sayo ang pananaw ko.
Gusto mong maging malaya? Sige lumipad ka, bukasa mo ang iyong
puso at isipan. Gusto mong maging maligaya? Sige lang gawin mo
lahat ng bagay na nagpapasaya sayo dahil habang nabubuhay ka,
hindi mahalaga kung gaano ka katagal nabuhay, kundi kung paano
mo hinarap ang buhay sa tagal ng panahon mong inilagi dito sa
mundo. Minsan lahat naman tayo aminin man o hindi ay naliligaw
tayo ng landas, pero tingin ka lang sa taas, makikita mo ang liwanag
ng pag-asa, wag kang mag bulag-bulagan, maniwala ka lang sa kanya
dahilanjan lagi ang Panginoon, aagapay sa bawat pagsubok na iyong
haharapin.

“But when the star doesn’t shine
You won’t be able to find your way
The only thing that we can do is pray
On a trip to jerusalem…”

May mga pagkakataon na nawawalan tayo lahat ng pag-asa, dahil
akala natin wala na talaga, na iniwan nya na tayong mag-isa na.
Halimabawa na ang kwento na kasama mo ang Panginoon habang
naglalakad sa dalampasigan, may mga foot prints na bumabakat
sa buhangin habang kayo ay naglalakad, hanggang dumating ang mga
oras na dumating sa buhay mo lahat ng problema, hirap na hirap ka
at napansin mong isang bakas na lang ng pares na paa ang iyong
nakikita. Sinabi mo sa kanya “Panginoon, bakit ninyo ako iniwan, kung
kailan ko kayo kailangan at madami akong problema, bakit?”  sumagot
ang Panginoon “Hindi kita iniwan anak, ang mga pares ng bakas ng paa
na iyog nakikita ay akin, at ikaw ay aking pinapasan sa aking likuran,
dahil alam kong hirap ka na. Mahal kita anak, hindi kita pababayaan.”
Kaya manatili lang tayong malakas ang pananampalatay at painiwala
sa kanya, dahil ituturo niya at gagabayan tayo sa tamang daan.

“Open your door
Dance on the floor
And now at last, just two of us
Only one chair, who will sit there?
Is it the king? or is it the heir?”

Salamat at may oras ka para basahin ang mga sinasabi ko, at mas
maraming salamat sayo kung naunawaan at naintindihan mo ako, at
sobrang pasasalamat ko sayo kung may magagawa itong sinabi ko
na mabuti para sayo, ngayonng patapos naang mga sinasabi ko gusto
kong tayo na lang talagang dalawa, bigyan mo muna ng laya ang iyong
kaisipan, tanggalin lahat ng dinaramdam sa kalooban. Nakikita mo ba
ang kaligayahang yun? Ayun oh! para sayo yun. Gusto mo yung makamit
diba? Hinihintay ka na nya, matagal na, kaya huwag mo ng hayaang
agawin pa yung kaligayahan na yun sayo ng iba. Abutin mo, lumaban ka.

“Ganito tayo, dahil hinayaan nating maging ganito tayo.” - TADO Jimenez

Pare ko

“Pare ko”

Yan si atankz, o Jonathan Lecano siya ang aking Pare ko!, ang aking
bestfriend, ang aking kababata, aking kapatid, aking kasangga,
sanggang dikit. kailanman hindi ako niyan iniwan, pinabayaan, at sinaktan.
Siya ang THE BEST! kong kaibigan, sabay kaming lumaki at nangarap,
namroblema at dumaan sa ibat ibang pagsubok na sumubok sa aming
pagkakaibigan.

“Meron akong problema
wag mong sabihin na naman?
In love ako sa isang kolehiyala
Hindi ko maintindihan”

Tuwing may problema ako lalo na sa pag-ibig siya agad ang una kong
napagsasabihan, alam agad nyan kung malungkot ako o may problema
kahit hindi ko pa sinasabi, kaya naman wala akong lihim na maitatago
kay bespren. Magaling yang magpayo, kahit paluko-luko yan, asahan
mo pag may problema ka napaka seryoso nyan para tulungan ka.


“Wag na nating idaan
sa maboteng usapan
lalo lang madaragdagan
ang sakit sa ulo at bilbil sa tiyan”

Sa buhay pag-ibig nya madalas rin yang bigo, sobra yan magmahal kasi
pagnagmahal yan si bespren totoo talaga, sagad sagad, kaya kapag
nasaktan siya sagad sagad din. Dumating pa nga sa point na hindi na
sya kumakakain sa loob ng isang buwan at araw araw na nag-iinom, at
dahil doon sumuka na sya ng dugo. Dito kami magkaiba malakas yan sa
inuman, ako naman mabilis talaban. Kung sa inom nya dinadaan ang
problema ako naman ay sa pagkain.

“Anong sarap
kami’y naging magkaibigan”

Sobrang nagpapasalamat ako at nakilala ko si bespren at kami ay naging
matalik na magkaibigan. handa akong ipagtanngol nyan kahit kanino, at
handa yang mamatay at pumatay maiganti lang ako o protektahan ako,
dun ako hanga sa kanya. Kilalang kilala ko ang bespren ko at base sa tagal
ng aming pagsasama alam kong kayang kaya nyang gawin yun. Ako naman
iniiwasan ko talagang hindi madawit sa gulo upang hindi mangyari yun.

Sa lahat ng trip lagi kaming magkasundo laging magkasama, TOP 1 jan ang
pag-eeksperimento ng mga pagkaing niluluto namin at tinawag namin yung
“DOG FOOD”

Halimbawa na lang sa pinakamalalakas na ginawa naming trip eh yung oras
na mga wala kaming pera, as in wala talaga, naisipan naming mangalakal ng
bakal, bote at kariton upang ibenta sa junkshop at para magkaroon ng pera
Oo! Promise tunay ginawa namin yun, at yung kinita namin ay ipinambili
namin ng ingredients para kami ay makapagluto ng lomi. Ang sarap sa feeling
na naranasan namin yun, hindi pala biro ang trabahong yun dahil sa dami
naming nakolekta at nahakot halos wala pang P200 ang kinita namin noon.


“Oh! Diyos ko! ano ba naman ito?
diba? Tangina! nagmukha akong tanga
pinaasa nya lang ako
lecheng pag-ibig to”

Tulad ng sinabi ko kanina, sagad sagad umibig yan, hanggang sa mga oras
na sinasaktan nya na ang sarili nya. Sa akin nya ipinaukit to gamit ang blade
ayaw ko talagang gawin kaso mapilit sya para daw maipakita nyang mahal
nya yung tao, kaya ayun ginawa ko na kasi mahirap na pag nagtampo sakin
si bespren, hindi ko kaya.

“Ba’t ba ang labo nya?
di ko maipinta,
hanggang kelan maghihintay
ako ay nabuburat na”

Si bespren sa kasalukuyan ay hindi na nag-aaral, nakakalungkot man isipin.
Lagi nyan sinabi sakin dati na magbabago na sya at magtitino dahil papasok
na uli talaga sya sa school. Gustong gusto ko siyang tulungan makapasok uli
sa iskwelehan, pero hindi ko alam kung papaano, gusto niya raw mag pulis
katulad ng tatay niya eh, pero nitong isang araw nakapagkwentuhan kami,
subukan nya raw kayang mag pari, sabi ko aba ayos yan! sabi nya ay wag na hindi naman tinatanggap dun ang katulad ko, sabi ko naman, ano ka ba lahat pwede dun basta gusto mong magbago at bukal sa kalooban mo.


Pero kung tutuusin malaki na ang pinagbago ni bespren, napaiba siya ng
tinahak na landas datieh, at aminado naman sya doon, at ngayon hindi nya
na binabalikan yung madilim na kahapon na yun, at dahil doon ay PROUD na
PROUD ako sa kanya dahil tinuwid nya na ang kanyang mga pagkakamali.

“Alam kong nababaduyan ka na
sa mga sinasabi ko
pero sana naman ay
maintindihan mo”


I love you bestfriend! Baduy ba? haha. kasi parehas kami lalaki? Kadiri ba?
haha, pero naniniwala ako na ang mga mag bespren na lalaki na kayang
magsabihan nito ay ang syang tunay na may pinagsamahan at pagkakaibigan.
*at hindi po kami BAKLA Promise! ngayon lang to haha. Sana naiintindihan
mo bespren ang mga sinasabi kong ito kahit “I love you” lang yan, napaka
laking bagay nyan para sa akin para masabi sayo.

“O pare ko, meron ka bang maipapayo?
kung wala ay Ok lang
kailangan lang ay iyong pakikiramay
andito ka ay ayos na”

Bespren! Salamat sa lahat lahat! mula ng tayo ay mga bata pa, sa lahat ng
kalokohan, saya, iyakan, tampuhan, inuman, kainan, problema, laro, trip, sa lahat lahat. SALAMAT! ayos lang kahit minsan ay indi tayo nagkikita, basta
wag ka lang mawawala, diyan ka lang lagi, manatili kang kaibigan ko at ako
ay ayos na. Masaya ako at wag mong kakalimutan andito lang rin ako lagi
para sayo.

Ang Huling El Bimbo

“Kamukha mo si paraluman”

Sa titig pa lang ng iyong mga mata, ako’y nahuhumaling na. Lalo na
sa mga ngiti mo pag aking nakikita, pakiramdam ko ay langit na.

“Pagkagaling sa eskwela ay didiretso na sa inyo
at buong maghapon ay tinuturuan mo ako”

Salamat at pumapayag ka laging ihatid kita sa inyo pagkatapos ng
klase mo, gusto ko lang naman matiyak na maayos ka at ligtas na
makakauwi dahil gabi na. Salamat sa pagpapatuloy sa akin sa bahay
niyo, ang dami mong natuturo at nasheshare na mga bagay kapag
nandun tayo ang dami kong natututunan.

“Magkahawak ang ating kamay
at walang kamalay-malay
na tinuruan mo ang puso ko
na umibig ng tunay”

Holding hands, pagpapakita raw ito na kaya kang ipagmalaki ng taong
mahal mo sa harap ng mga tao. Isang paraan para ipaalam sa mundo
na nagmamahalan kayo, na proud kayo na kayo ay para sa isa’t isa,
masaya at nagmamahalan. Mahal na mahal kita, salamat sa pagpaparamdam sa akin at pagtuturo ng tunay na pagmamahal. Hindi ko sukat akalaing magmamahal din ako ng ganito na higit pa sa kaya ko at inaakala ko.

“Lumiliwanag ang buhay
habang tayo ay magka-akbay”

Sa tuwing kasama kita, hindi ko maipaliwanag kung anong saya ang
aking nadarama. Tila ba kulang na kulang ang buong isang araw pag
kapiling kita. Walang oras na boring, palaging masaya.

“Lahat ng pangarap ko’y bigla lang natunaw
sa panaginip na lang pala kita maisasayaw”

Ikaw ang aking pangarap, kung mawawala ka, wala na rin sakin ang
lahat, at hinding hindi ko hahayaang mangyari yun. Sa overpass, sa
bahay nyo, at sa buhos ng ulan nag-slow dance tayo, sa himig ng ating
pag-ibig itutuloy tuloy natin ito MAGPAKAILANMAN at walang magiging
Huling El Bimbo dahil sa pagmamahalan natin ay ANG LAGING EL BIMBO.

Nagmura sila (Eraserheads) kaya nakakatuwa, parang sila pa lang yung una kong narinig nagmura na tagalog.
Jay Contreras